Mlapit na ko graduate!

February 11th, 2007

Kung babalikan ko ang mga pinangarap ko noong highschool…pwede ko ng sabihing naabot ko na lahat iyon sa paglagi ko sa UST. Di maipaliwanag. Masaya nag puso ko. Hindi ko akalaing magagawa ko lahat ng nailista kong pangarap sa lumang notebook ko. Iniisip ko dati, pangarap lang… di ko namalayan naabot ko na pala.

Ngayong malapit ng matapos ang isang yugto sa buhay ko na noong nakalipas na apat na taon ay kinakapa at kinikilala ko pa lamang, heto na naman ang susunod… ang buhay yuppie. Kaya pa ba ulit harapin ang pagbabago? Bagong pakikisalamuhaan… bagong kakiligan…bagong kaibigan…bagong lahat! Kasabay ng mga pagbabagong ito, kakayanin pa ba ulit abutin ang bagong listahan? Nakakakaba…

…Nakakatuwa. Kasi pag bata ka, halos kapantay mo lang ang pangarap mo. Tatanungin ka ng teacher mo: “ano pangarap mong maging?” at sasagot ka: “maging sikat po!” napakadaling sabihin diba? At sa mura mong isipan, naniniwala kang madali ring abutin.

Ngunit kasabay naman ng paglaki mo ay ang pagtaas ng tingin mo sa pangarap. “Panagarap yun eh!mahirap… baka di ko kayanin.” Unti- unti ka ng makakalimot. Hindi na mahalaga pa sa’yo kung maabot mo man yun o hindi. Ano na naging saysay ng pangarap?

Libre daw mangarap. Libre? Walang halaga? at lalong walang halaga?! Ganon ba? Walang tagumpay kung walang pangarap. Walang tagumpay kung hindi mo maabot ang “yong pangarap. Paano kang magtatagumpay kung wala kang basehan? Para sa akin, yan ang kahalagahan ng pangarap, isang basehan. Pa’no  mo nga naman masasabing nagtagumpay ka kung sa umpisa pa lang, wala ka naming gusting abutin?

Sa mga oras na’to, napagatanto kong hindi na siguro simpleng pangarap ang gusto kong abutin kundi ang mismong tagumpay.

“Success is where preparation and opportunity meets.” Sa pagakaka-alala ko, yan ang sabi ni Chris Cahilig sa amin ni Wecks. Pero sa ngayon, hindi pa ako handa. Marami pa kasing kailangang gawin at kailangang matutunan. Kaya habang ‘di pa sila nagkikita at habang iniintay ko pa ang tamang oportunidad…eh pagtutuunan ko muna ng pansin ang paghahanda (ilang linggo na lang naman…malapit lapit na) at syempre, ang paglilista ng mga bagong kong pangarap…mga bagong pagtatagumpayan.

Hindi ko pa man naabot ang  pinaka inaasam ko, masaya na akong malaman na nagawa ko ang mga  bagay na hindi ko inakalang magagawa ko. Hindi pa man ako kilala at wala pang napapatunayan sa mundo, sapat nang mapatunayan ko sa sarili ko na kinaya ko. Sapat na rin para isiping kakayanin kong muli.

Ikaw? Subukan mo rin kayang balikan ang mga dati mong pinangarap…baka naabot mo na pala ng ‘di mo napapansin.

                                                            -DeSs Inocencio(2/8/06)

PS. Testing lang kung marunong pa sumulat…aus ba?

Una na nga pala to sa bago kong pangarap…maging writer! (ulul!haha)  at syempre, for a change….ndi na xa sa lumang ntbk nakasulat…sa planner na!

Para

planado buhay ko… kaya wala munang mangugulo sa akin ah! Dami ko pa gustong gawin…Hehe!




5 Responses to “Mlapit na ko graduate!”

  1.   Mae on January 31, 2008 2:23 am

    huwaaaw b-loi!!! marunong ka palang magsulat? hehehe.. ako frustration ko sumulat.. yung maisulat ko lahat ng nasa isip ko ng maayos. haay.. practice makes perfect ba? so kailangan ko na din bang magsulat? hahaha!!

    miss you na ms. goodmorning!

    peace!

  2.   Wipqjsim on October 2, 2008 3:35 am

    nice blog, thanks
    buy diflucan

  3.   ScourotoPer on October 24, 2008 11:18 am
  4.   DESS on October 26, 2008 6:51 am

    hey hey hey….I totally forgot I wrote this entry! no shit….you wont believe this..alam niyo ba, i’m writing for one of our shows in MYX North America? naaabot pala talaga pala ang pangarap? wow! isa na lang kulang…=) hehe.

  5.   Tavia on November 9, 2008 9:36 pm

    Good words.

Comments RSS

Leave a Reply

Name (required)

Email (required)

Website

Speak your mind