dati yun…hindi na ngaun!!

June 21st, 2006

dati, ang alam ko, marunong ako magsulat…nung highschool yon! pero simula ng tumapak ako sa ust at naging isang "kolehiyala" *naks!*….ndi ko na alam kung san napunta yung kaalaman ko na yun! parang bigla na lang akong tinamad (Sayang…sana pala pinagpatuloy ko yon….maggmit ko pla xa ngaun). haay! kolehiyo nga naman… kng anu-anong ginagawang pagbabago sa tao. yung dting dead kid at minamaltrato sa klase… biglang mag-bbloom (revenge of the weirdos..), yung dting tibo….nagpapakita na ng kaunting balat, ang dating demure at dalagang pilipina…naging bitch na bigla!ang mga dating astig at bully… ayun! dumami na ang pimples, dpa rin nkkgraduate hnggng ngaun! (kinakarma..)

ahehehe…eh, sa akin…anu naba nangyare? sa tatlong taon kong inilagi sa UST… anu na nga ba nagbago skin…? e2…. dead kid, tibo,demure, astig at bully pren!!idagdag mo pa na maganda!

hehe. joke! wala. mas nkilala ko lang sarile ko… kaya mas marami akong ngagawa sa buhay! mas maraming nakikilala..at nagiging kaibigan. Mas masaya! kaya ikaw…. ikaw na nagbabasa nito…kilalanin mo ang sarile mo. Mas magiging makulay ang buhay mo kung matututo kang magkaroon ng sarile mong tatak at paninindigan. sige na, habang nag-aaral ka pa! ako, eto na…. malapit na sa dulo ng diploma…. at maabot ko na. Nagpapasalamat ng malaki dahil hindi ako nagkamali sa kursong napili ko! kasa-kasama ang mga artista..at balang araw… magiging isa rin sa kanila!

hahaha, joke ulit yon! minsan talaga..kelangan ng joke. Ang hirap kasi pag laging seryoso..nakakapagod kaya yun!

ayun lng nman. nang-sayang lng ng oras nyo na nagbabasa…hehe! sorry!

gusto ko lng gumaya sa ibang blogger’s… magagaling sumulat.

ako ba, marunong?

nagbalik naba talent ko…? hehe. cge na, gunyt!